Eto na naman tayo.
Katatapos ko lang basahin ang nobela ni Ricky Lee. Meron akong habit kung san sa bawat nobela o kwentong binabasa ko, nilalagay ko ang sarili ko sa pangunahing tauhan para lalo kong maintindihan ang mga pinagdaraanan nila. At sa lahat ng nabasa ko, masyado kong nainternalize ang bida.
Si Lucas.
Oo. Nagmahal din ako tulad ni Lucas. Nangingilid ang mga luha ko habang binabasa ko ang mga pinagdaanan niya. Nagmahal ng isang taong hindi kayang suklian ang mga kaya mong ibigay. Unfair. Naramdaman ko ang sakit. Ang pait. Alam ko ang pakiramdam ng hindi ka kayang ipaglaban. Ang pakiramdam kung paano lokohin. Naintindihan ko lahat. Bumuhos lahat ng emosyon ko. Lahat ng sakit nitong ng nakaraan umapaw. Malas lang siguro talaga ko. Siguro sign na nakita ko yung librong to. Naaawa na siguro ang tadhana sakin.
Salamat Lucas. Tatandaan ko ang araw na to.







